Monday, June 02, 2008

187,000 seedlings, target ng Cenro-Cabanatuan

Inaasahang maaabot ng Community Environment and
Natural Resources Office (cenro) ng Cabanatuan City ang target
nito na makapag-produce ng 187,000 seedlings ngayong
2008.
 
Ito ay matapos bisitahin ni Cenro Arthur Salazar ang mga
nursery sa kanyang hurisdiksiyon, lalo na ang nasa
bayan ng General Tinio, Nueva Ecija.
 
Ayon kay Salazar, ang mga seedlings na ito na karaniwang
mga kahoy-gubat ay kanilang ipinamamahagi sa taumbayan
para sa tree planting activities bilang bahagi ng
refrestation program.
 
Ang Cenro cabanatuan ay sumasakop sa mga bayan at
lungsod sa timog nueva ecija.

No comments: