Friday, August 15, 2008


CABANATUAN CITY - Ipinagmamalaki ng mga kandidata sa Bb. Nueva Ecija ang mga lugar sa lalawigan na bahagi ng kasysaysayan at natatangi para sa turismo.Sa ginanap na press presentation noong Lunes ng gabi sa Microtel In and Sites sa lunagsod na ito, inisa-isa ng mga kalahok sa Bb. Nueva Ecija pageant ang mga anila'y "pride ng Nueva Ecija."


Kabilang dito ang makasaysayang Plaza Lucero kung saan pinalsalang si Antonio Luna, Ninoy Aquino Freedom Park na ipinagalan sa martir na dating Sen. Benigno Aquino at moog para sa mga di-kilalang bayani, (kapwa nasa Cabanatuan City), Pantabangan na kinaroroonan ng kauna-unahan at pinakamalaking earthen dam sa Souteast Asia, Palayan City bilang sports tourism capital.


Inihirit din ng isang kalahok ang Sciece City of Munoz sapagkat naroroon ang mga scientific institution na tulad ng Central Luzon State University (CLSU), Bureau of Post Harvest Research Institute (BPRE), Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Carabao Center (PCC).


Para naman sa kandidata mula sa bayan ng Laur, pinaka-dapat bigyan ng pansin ang pagiging onion basket ng Bongabon sapagkat ddoon nagmumula ang pinakamalaking bahagi ng kinukunsumong sibuyas ng bansa.


Ang Pangatian Shrine and Sundial Monument kung saan naganap ang kilala sa buong mundo na "The Great Raid", o pagliligtas ng magkasanib nga puwersang Amerikano at gerilyang Pilipino ang dapat isang maipagmamalaki ng Nueva Ecija, ayon naman sa Bb. Nueva Ecija candidate mula sa bayan ng Llanera.


Ang Bb. Nueva Ecija ay isang bahagi ng pagdiriwang ng "Unang Sigaw ng Nueva Ecija" na ang kulminasyon ay sa Sept. 2, ayon kay Board Member Edmund Abesamis, pangulo ng Araw ng Nueva Ecija 2008.


Ang Bb. Nueva Ecija ay inorganisa ng Provincial Tourism Office sa pangunguna ni Carolina de Guzman-Uy at Wyzminds Event and Productions.Ayon kay Uy, bukod sa P50,000 piso na cash prize sa magwawagi, magkakamit din ito ng scholarship grant mula sa isang technical school.


Ang kaibhan, gayunman, ng pageant na ito sa mga naunang edisyon ay bibigyan din ng gantimpala tulad ng cumpoter set at iba pa ang munisipyo na kinakatawan nanalo, at bawat barangay sa nasasakupan ng naturang bayan ay bibigyan ng maliit na regalo.


Ang Grand Coronation ng Bb. Nueva Ecija ay gaganapin sa Aug. 31.

No comments: