CABANATUAN CITY -Sinampahan na ng kaso sa Nueva Ecija Prosecutor's Office ang apat na suspek sa pamamaslang kay dating Board Member Rodolfo Lopez.
Ayon kay Senior Supt. Napoleon Taas, acting provincial director ng Nueva Ecija police, ang mga kinasuhan ay sina Benito Hipolito, Lito Flores, Evelito Flores at isang hindi pa nakikilala.
Sinabi ni Taas na ang kaso ay isinampa batay sa dying declaration ng biktima kung saan sinabi nito habang lulan ng ambulansiya sa kanyang asawa at anak na si Flores ang bumaril sa kanya.
Lopez, dating pangulo ng Association of Barangay Captains at kagawad ng Sangguniang Panlalawigan ay dating kapitan ng Barangay Pulo, San Isidro. Bago napaslang, siya ay consultant sa pagawaing bayan ni Rep. Rodolfo Antonino ng ika-apat na distrito ng Nueva Ecija.
Lopez, 52, ay pinagbabaril matapos dumalo ng Misa sa San Isidro Parish Church sa Barangay Poblacion, San Isidro, bandang ika- 7:40 ng gabi noong Sabado.
Ayon kay Taas, nalutas ang kaso sa loob ng 48 oras.
Malawakan naman ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad laban sa mga suspek.
Friday, April 04, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment